Sunday, August 3, 2008

CPNHS - High School Life is the Best

Para sa akin, talagang the best ang High School life. Ngayong college na ako, miss na miss ko na yung buhay ko nung high school. Gusto ko ulit makita yung mga friends koh at gusto ko ulit maranasan yung mga bonding moments namin.


Kasi ngayong college, hindi naman buong araw kayong magkakasama ng mga classmates mo. Kapag tapos na ang isang subject, uwian na, hindi katulad nung highschool, sa isang room lang kayo palage, at kahit saan kayo magpunta, nagkikita-kita pa rin kayo.

Tuwing tinitignan ko ang mga pictures namin nung high school, lalu na yung mga pictures naming magbabarkada kasabay ng pagpapatugtog ko ng mga favorite naming songs, yung palage naming kinakanta at binibirit kapag meron at kahit walang gitara, naiiyak ako, parang gusto kong bumalik sa mga panahon na iyon.


















Mayroon din akong mga videos namin noon, kaya lang nagsisisi ako kasi kokonti lang iyon, dapat pala tuwing may mga event lagi akong kumukuha ng video, sayang talaga.





Naalala ko pa nung kaming magbabarkada ay nagpunta sa isang ilog noon sa Tayabo, San Jose City napakasaya namin, Christmas party noon, kaya lang humiwalay kami, pero napakasaya namin, lalu na nung tumatalon kami mula sa mataas na bato. Grabe yung mga experience na yun, ang mga hinding hindi ko rin malilimutan ay yung mga kantahan namin, sobrang saya talaga.





Ako ay nangangarap na magkaroon kami ng reunion, kapag may mga trabaho na kami, sobrang saya siguro nun, ang "Rizal's Reunion of Batch 2007-2008". Madami kaming mga hindi malilimutang pangyayari sa Constancio Padilla National High School, San Jose City, Nueva Ecija. Sana nga mangyari yun.


By:

Benjamin C. Sotto


My Facebook


My Youtube